Showing posts with label men's. Show all posts
Showing posts with label men's. Show all posts

Monday, February 24, 2020

Garment pattern making, grading, cutting, sewing


Marahil sa panahong ito ang paggawa na damit ay wala ng saysay sa siyudad dahil sa maunlad na teknolohiya. Sa ngayon ang paggawa ng damit ay computerized na di tulad noong araw na itoy manual lamang. Dahil po sa akoy may karanasan sa paggawa ng damit at padron, pagtahi, pag tabas, naisipan kung ibahagi ang aking konting nalalaman sa abot ng aking makakaya.

Dahil po sa ang gawaing ito ay matagal ko ng iniwan dahil sa akoy reterado na, sisikapin ko pong ibahagi ang kaunti kung nalalaman sa larangang ito.

Ang inaasahan kung tatangkilik ng sariling araling ito as sa probinsya na hindi pa gaanong abot ang advance na teknolohiya, tulad ng isang nayon sa probinsya. Kung ikaw ay may hilig sa paggawa ng damit panlalaki o pambabae marahil itoy para saiyo, ikaw man ay nakatira sa isang siyudad o sa isang nayon sa probinsiya.

Nauunawaan ko po ang pinagkaiba ng tailoring o dressmaking kaysa sa paggawa ng damit na maramihan katulad ng isang pabrika.
 by shankar s.

Tailoring o Dressmaking (Shop o Boutique) - Dito individual ang iyong paruyano, ang sukat ay ikaw ang kukuha sa iyong kustomer kasama na kung anong desinyo o style. May isang master cutter na tagagawa ng padron, magtatabas sa tela at magtatahi. Minsan ang mananahi siya na ang magtatapos hanggang mabuo ang damit pati na finishing.

by Provincial Archives of Alberta

Garment Production (Factory Process)- Dito mahirap ang gawain dahil lahat ng aspeto dapat naayon sa sukat at desinyo, Maramihan ang order dito kaya dapat nasa tamang tolerance kung may mali man.
Ang lokal factory ay maysariling taga desinyo ng damit, samantalang kung outsource ng kompanya ang order, ito ay may kasamang specs, tela,at accessoriya, original sample. Bago maaprove ang order kailangang magaya ng kumpaniya ang padalang sample at masunod ang boung quality ng paggawa. Kapag itoy natapos na kailangang ipadala sa mayari para sa kanilang commento o pagsangayon bago gumawa ng maramihan piraso.

Dahil sa factory maramihan ang order, nararapat lamang na marami silang mangagawa at departamento. Ito ay ang mga sumosunod:

Departamento ng Desinyo - tagagawa ng desinyo o idea ng damit at pagbibigay ng kailangang sukat o sizes.
Departamento ng quality - sila ang nag aaproved kung nasunod ang mga kinakailangan sa isang damit, Dito dalawa ang taga control ng quality, isa ang representante ng kompaniya at ang isa ay ang representante ng nagpapagawa. Kailangang maaprobahan ng pinal ang damit bago magumpisa ng maramihang sizes ayon sa ibinigay na specs ng mayari o kustomer.

Departamento ng Pattern making, marking, at cutting - Sila ang gagawa ng unang pattern para gawan ng sample para paaprobahan. Minsan maykasama ng pattern kaya final measurement na lang at pagdagdag ng shrinkage allowance sa pattern. Kung maaprove ang unang sample pweding humingi pa ang mayari ng sizes sample bago mag gawa ng maramihan damit na ibat ibang sizes.

Sa aking kumento: Para sa akin, parehong mabigat na pasanin anuman ang iyong tunay na kaalaman sa paggawa ng damit. Maging itoy sa Shop o sa pabrica. Subalit sa aking naging karanasan mas pipiliin ko ang maglingkod sa pabrika kaysa sa shop o botique. Sa shop limitado ang iyong kaalaman at mga benipesyo. Samantalang sa pabrika marami kang malalaman tungkol sa paggawa ng damit sa ibat ibang antas o departamento. May magandang benipisyo at sigurado ang iyong sahod.

Kung ikaw ang papipiliin saan ka kaya gustong lumugar sa gawaing ito?

Mag Subscribe na para malaman mo ang mga susunod kong idea direkta sa iyong inbox.

Related Topic

READ: Garment Pattern Making: Mga Gamit na Kakailanganin

Disclosure

FTC Disclosure: DIY receives financial compensation when the affiliate link(s) on this page are clicked on and a purchase is made.

Translate

Campaign

Patternmaking and Grading Patternmaking and Grading Gerber's AccuMark Pattern Design Software

For clothing design courses: pattern making, sorting, clothing development, and clothing production pattern creation. Sorting-using Gerber AccuMark pattern design, you can use the design software Gerber AccuMark pattern storage. Check all aspects of pattern making and classification. Focus on what is assigned to Job responsibilities, clothing styles, and classifiers. This article not only focuses on software commands. But also incorporates valuable information gained from the author’s extensive experience as an industry expert.

Price: US $87.77


Gerber Accumark Digitizer GTCO Calcomp Roll UP 36 x 48 Inch Digitizer Configured For PAD SYSTEM

Condition: Used: This Digitizer is For PAD SYSTEM PATTERN DESIGN SOFTWARE With This, you can digitize existing pattern pieces into your current PAD SYSTEM and edit, grading, marker making, plot You Can Digitize Any size Even bigger than Active Area which is 36 x 48 inch, you can digitize part portion, and combine into one large pieces. Tested And Working Just Fine Under PAD SYSTEM version 6, 7 Ready to work, preconfigured.

Price: US$1,599.00