Showing posts with label damit. Show all posts
Showing posts with label damit. Show all posts

Tuesday, February 25, 2020

Garment Pattern Making: Mga Gamit na Kakailanganin

Hello, the Philippines!

Papaano ka dapat magsimula sa paggawa ng padron para sa damit na gagamitin?

Ano- ano ang mga important na gamit sa paggawa nito?

Una kailangan mayroon kang cutting table na semi slide ang itaas. Malinis ang iyong lugar, tahimik, walang gaanong istorbo.

Kung manual - ang paggawa mo dapat ihanda ang gunting, papel, lapis, eraser, tape measure (medida), cardboard (para sa finish pattern), at ang sukat ng damit galing sa iyong kostumer.

Kung sa computerized pattern making - Accumark Gerber machine set, Monitor, digitizer, grading rule, design at specification (specs.)

Mga puntos (points of measurements) na iyong susukatin, Men shirt (short sleeve) back length, across the shoulder, bust, armhole, waistline, shirt bottom, neck circumference, collar point, collar height, collar band height, sleeve length, sleeve opening.


Example:
Tailoring style; Block Pattern Men shirt short sleeve

Gumuhit ng horizontal line para sa back length measurement, Sa taas ng horizontal line gumuhit ng vertical line connected sa top point ng horizontal line. Pakatandaan: ang horizontal na linya ay ang iyong reference line o defualt line para sa sukat ng katawan ng padron. Dito gagamit ka ng pag hahati hati,

Katawang sukat:
Ang horizontal line ay iyong center line sa pagsukat, Dito e assume mo na ang center line ay folded ang papel. Halimbawa ang shoulder ay 18 1/4", ang sukat mo mula sa center line ay 9 1/8" hati sa dalawa. Bust o chest 42" hati sa apat kaya 10 1/2" kung may waistline na sukat ganon din ang paraan. Dahil walang sukat na waistline deretso lang ang yari nito. Kaya ang bottom sweep o laylayan ng polo ay 42" din paghinati sa apat bale 10 1/2" din. Ang kabuoang haba ng damit ay dina kailangang paghatiin.

Sleeve ng Polo; Short sleeve lenght 9", Opening 8", armhole 20 1/4"
Parehong paraan na kagaya ng katawang sukat, Guguhit ng horizontal at vertical line. Sukatin ang haba na 9". Sa opening hatiin ang 8" kaya magiging 4" armhole na kabuoan 20 1/4" kasama na ang shape o hugis ng manggas. Gagamit ka dito ng french curve. Kung sanay ka na di na kailangan. Folded lang ang finish ng sleeve at bottom sweep ay 1".

Collar and Collar band:
Ganoon din po gamit ang center line at vertical line para sa pag sukat nito ang shape o hugis ay depende na sa stilo ng collar.

Kailangang Piraso:
Tatabas ng isa para top collar (ibabaw) at isa naman sa under collar (ilalim), itoy depende sa stilo ng kwelyo. Kung simple lang pwede ng cut two ang collar.
Katawan;
Front Kung simple Cut 2
Front kung magkaiba cut 1 leftfront at cut 1 rightfront
Back cut 1
Back yoke cut 2


Accessory:
Collar Accessory:
Patigas sa kuwelyo at collar band (fusing)
Collar bone 2

Body accessory;
Front buttons 6
Front Fusing 2

Hanggang sa susunod:

Subscribe and share! kung iyong nagustuhan.

Related Topic

READ: Garment Pattern Making: Mga Gamit at Paraan

Garment Pattern Making: Mga Gamit at Paraan

Hello, the Philippines!

Ang topic po natin ngayon ay "Pattern Making: Tools and procedures"

Ano-ano po ba ang mga gamit para gumawa ng padron para gamitin sa pag tabas ng tela?

May alam po ako na apat na klaseng paggawa ng padron;

Una- Block Pattern- Ito po ang nakasanayan ko sa paggawa ng padron na block pattern. Ito po ang kadalasan ginagamit sa computer pattern making, grading and marking.

GAMIT: for Computerized; Gerber o Lectra, Pattern paper, digitizer, pattern plotter, grading monitor, and marking monitor.

GAMIT: for Manual; Pattern paper, Triangle square, grading rule or standard ruler, tape measure, scissors, eraser, pencil, sizes measurement o Specifications.

Pangalawa- Pattern making direct to the fabric- Ito po ay madalas ginagamit sa tailoring o dressmaking shop.

GAMIT; Gunting, tailored chalk, tailored square, standard ruler, tape measure, at individual na sukat ng customer.

Pangatlo- Pattern Making by Pinning o paggamit ng aspeli- Ito po ay paggawa ng damit na derekta sa pagtabas sa tela gamit lamang ang gunting, tapemeasure, aspeli, at sukat ng customer.

Pang-apat-Gamit ang Maniquin; Ito po ay ibang paraan sa paggawa ng padron. Pwede kang gumamit ng papel o mumurahing tela. Ang papel o tela ay iyong ipapatong sa maniquin, ititrace ang mga pagpuputulan ng dugtong o seams, iyong guguhitan ang lahat ng dugtungan tapos iyong kokopyahin sa mesa ang na trace na bahagi ng dugtungam, Halimbawa; Front opening, armhole, back lenght, neck circumperence, sleeve lenght, cuff opening, collar at iba pa.

Pwede po kayong mag search sa internet ng gusto ninyong paraan na angkop sa inyong kakayahan. Ang importate lamang ay magustuhan ng iyong kustumer ang kabuuang resulta na damit. Dahil kung hindi magustuhan ng iyong kleyente sigurado akong hindi ka na babalikan.

Dahil po sa hindi ako sanay sa huling dalawa na paraan ng paggawa ng damit. Ang una at pangalawa ang nais kong ibahagi sa inyo.

Ito po ay:

Manual pattern making, grading, and marking

Computerized Pattern Making with Gerber

Dahil po sa may katagalan na hindi ako gumagamit ng accumark gerber machine ang iba pong advance feature ay maaring hindi ko na maibahagi. Muli mag search uli sa internet o sa kompanya ng computerized machine supplier.

Hanggang sa susunod:

Sana, subscribe and share! kung iyong nagustuhan.

Related Topic

READ:Garment Pattern Making: Mga Gamit at Paraan

photo by cottonbro from Pexels

Translate

Campaign

Patternmaking and Grading Patternmaking and Grading Gerber's AccuMark Pattern Design Software

For clothing design courses: pattern making, sorting, clothing development, and clothing production pattern creation. Sorting-using Gerber AccuMark pattern design, you can use the design software Gerber AccuMark pattern storage. Check all aspects of pattern making and classification. Focus on what is assigned to Job responsibilities, clothing styles, and classifiers. This article not only focuses on software commands. But also incorporates valuable information gained from the author’s extensive experience as an industry expert.

Price: US $87.77


Gerber Accumark Digitizer GTCO Calcomp Roll UP 36 x 48 Inch Digitizer Configured For PAD SYSTEM

Condition: Used: This Digitizer is For PAD SYSTEM PATTERN DESIGN SOFTWARE With This, you can digitize existing pattern pieces into your current PAD SYSTEM and edit, grading, marker making, plot You Can Digitize Any size Even bigger than Active Area which is 36 x 48 inch, you can digitize part portion, and combine into one large pieces. Tested And Working Just Fine Under PAD SYSTEM version 6, 7 Ready to work, preconfigured.

Price: US$1,599.00